2 tulak dedo sa buy-bust
BULACAN, Philippines – Dalawang tulak na nasa drug watchlist ang napatay sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Brgy. San Jose, bayan ng Baliwag at Brgy.Catmon sa bayan naman ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang dalawa na sina Christain “Bog boy” Burce, 37; at Alvin Dela Torre ng Barangay Catmon sa bayan ng Santa Maria. Arestado naman ang ka-live-in ni Burce na si Amelia De Guzman ng Brgy. San Jose sa Baliwag. Sa ulat nakarating kay P/Senior Supt. Romeo Caramat Jr., narekober sa dalawa ang cal .22 revolver, cal. 38 revolver, mga bala, 11 plastic sachet ng shabu, P1,000 marked money, at mga drug paraphernalia.
- Latest