Trader at pamangkin inutas ng tandem
NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang selos sa negosyo kaya napatay ang 55-anyos na buy-and-sell trader at pamangkin nitong estudyante makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Bual Norte sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, kamakalawa.
Kinilala ang mga napatay na sina Dolores Porras Penafiel at Shiena Porras, 18, estudyante ng Southern Christian College sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Ayon kay PO3 Johnny Cariaga ng Midsayap PNP, pauwi na ang magtiyahing magkaangkas sa motorsiklo mula sa town proper nang dikitan ng tandem assassins saka pinagbabaril.
Mabilis namang tumakas ang gunmen patungo sa liblib na bahagi lulan ng motorsiklo na walang plaka.
Agad na namatay ang negosyante habang naisugod pa sa pagamutan ang dalaga subalit hindi na ito umabot ng buhay.
- Latest