^

Probinsiya

2 kawani ng korte, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang kawani ng mababang hukuman ang inutas makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa loob ng kotse sa harap ng eskwelahan sa Barangay Matukay, bayan ng Allacapan, Cagayan kahapon ng umaga.?

Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating kay P/Senior Supt Amor dela Cruz, Cagayan PNP director,  nakilala ang dalawa na sina Francis Ogalino, court aide ng MCTC Aparri-Calayan at Allan Ragasa, legal researcher ng Regional Trial Court Branch 9 sa bayan ng Aparri, Cagayan. ?

Ayon sa report, nakaugalian nang sabay bumiyahe sa opisina sa Aparri ang dalawa.

Nabatid na si Ogalino ay mula sa bayan ng Ballesteros habang sa bayan ng Abulug naman si Ragasa sakay ng abuhing kotse nang ratratin ng tandem assassin dakong alas-7 ng umaga.

Nabatid sa ulat ng pulisya na si Ragasa ay sinasabing drug personality sa bayan ng Abulug.

?Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya kung may kaugnayan sa kasong droga ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with