^

Probinsiya

Mag-asawa, anak minasaker

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at anak na babae matapos na pagbabarilin ay pinagtataga pa ng dalawa nilang kamag-anak dahil sa away sa lupa sa Purok 5, Barangay Baracatan, Toril District sa Davao City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mag-asawa na sina Percidal Idar, Carlita Idar, 40; at ang anak na si John Casser Idar, 12, mga nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay Barangay Chairman Danilo Darvin Sr. nagbenta umano ng lupa si Carlita kung saan hindi nabigyan ng kanilang parte ang mag-utol na suspek na sina Nilo Toleron at Romulo Toleron.

Nabatid na may dating alitan na rin umano ang magkapatid na Carlita at Nilo matapos magalit ang nagsilbing caretaker na suspek nang nag-harvest ng prutas ang mag-asawang biktima mula sa lupa na kanyang binabantayan.

Rason umano ng biktima na ibinenta ni Nilo ang lupa ng kanilang pamilya at hindi nabigyan ng parte ang kapatid sa kinita nito.

Dahil dito, nagkainitan ang mag-utol na suspek at pamilya ng kanyang kapatid na nauwi sa madugong krimen.

Samantala, nasa kamay na ng Toril PNP ang isa pang suspek na si Romulo Teleron matapos maaresto sa follow-up operation ng pulisya habang patuloy naman ang pagtugis kay Nilo na kapatid mismo ng biktimang si Carlita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with