Utol ng chairman nadakma sa droga
BULACAN, Philippines - Kalaboso ang 48-anyos na utol ng barangay chairman at nasa drug watchlist matapos itong masakote ng arresting team ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nagawa pang lumaban subalit naaresto rin ang suspek na si Gerardo “Gerry” Pila, kawani ng Barangay Malhacan at nakatira sa Doña Josefina Village sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, naaktuhan ang suspek sa bentahan ng droga matapos ilatag ang buy-bust operation. Nasamsam sa suspek ang siyam na plastic sachet ng shabu, at P100 marked money na ginamit sa buy-bust.
- Latest