Shootout: Wanted kumasa, dedo
CAVITE, Philippines – Bulagta ang 31-anyos na wanted na drug suspek matapos itong makipagbarilan sa arresting team ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Barangay Zapote 5 sa Bacoor City, Cavite. Kinilala ang napatay na si Jordan Apolonio ng Sitio Centro Longos at kilalang drug peddler sa nasabing barangay. Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Apolonio bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Matias M. Garcia II ng Bacoor City Regional Trial Court Branch 19. Pinasusuko na si Apolonio subalit nanlaban ito at napatay. Narekober sa bahay ni Apolonio ang isang granada, dalawang cal.38 revolver, mga bala ng baril, pitong plastic sachet na may shabu at mga drug paraphernalia.
- Latest