Mag-ama arestado sa drug bust
CAMARINES NORTE, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang mag-ama sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Malinta, Masbate City sa Masbate kamakalawa. Pirmado ni Judge Teofilo B. Tambago ng Masbate City Regional Trial Court Branch 46 ang search warrant laban sa mag-amang sina Victor “Ondo” Golez Sr., 53, magsasaka; at Victor “Dodong” Golez, 32, tricycle driver kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nakumpiska sa mag-ama ang 20 plastic sachet na may shabu, isang cal .45 pistol na may apat na bala, 8 bala ng cal. 45 pistol at P14,300 cash.
- Latest