2 utas sa motorbike crash
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang magkaangkas sa motorsiklo makaraang sumemplang ang kanilang motorsiklo sa kalsada sa Barangay Angustia sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina John Rosales, 20, driver ng motorsiklo na may plate number 1920-EN at John Mark Zaragoza, 16, mga nakatira sa Barangay Topas Sogod sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating sa Camp General Simeon Ola, pauwi na ang dalawa nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo si Rosales kaya sumemplang sa kanal ng kalsada. Kapwa tumilapon at humampas ang katawan ng dalawa sa konkretong bahay sa gilid ng kalsada. Inaalam ng imbestigador kung senglot ang driver ng motorsiklo o kaya nakaidlip habang nagmamaneho.
- Latest