^

Probinsiya

20-anyos dalaga, isinilid sa plastic ng basura

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na dalaga matapos itong matagpuan na nakasilid sa plastic ng basura at itinapon sa bakanteng lote ng subdibisyon sa Barangay Ibaba, Sta. Rosa City, Laguna noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt. Giovanni Martinez, hepe ng Sta. Rosa City PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya kaugnay sa nadiskubreng bangkay ng babae.

Bandang alas- 6:20  ng gabi nang marekober ang bangkay ng babae na may taas na 5-talampakan, nasa pagitan ng 20-30 anyos, nakasuot ng itim na leggings at kulay asul na T-shirt, blonde ang buhok at may pulang relos.

Sa salaysay ni Adolf Silot ng Phase 6, Garden Villas 3, dakong alas -3:15 ng hapon habang nasa loob siya ng bahay nang marinig ang ingay  ng sasakyan.

Agad na sumilip sa bintana si Silot kung saan nakita niya ang pulang Sedan na humaharurot palayo matapos na itapon ang malaking plastic ng basura.

Ini-report naman ni Silot sa mga opisyal ng homeowners association ang kaniyang nasaksihan at dito na nadiskubre ang bangkay ng babae na nakasilid sa plastic ng basura.

Bandang alas-11 naman ng gabi, kinilala ng kaniyang pamilya ang bangkay sa John Paul Funeral Parlor na si Marie Antonette Tan ng B4 L-25, St. Rose Village 1, Brgy. Ibaba ng nasabi ring lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with