^

Probinsiya

Onsehan: 3 drug pushers, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa bentahan ng droga ang isa sa motibo kaya nirat­rat at napatay ang tatlong notoryus na drug pusher sa bayan ng Tagolo-an, Misamis Oriental kamakalawa.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang tatlo na sina Julieto “Golyat” Ledesma, 36; Niel “Nenel” Dagos, 31; at Onofre Aspiras, 48, mga nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang  sumalakay ang mga armadong kalalakihan  na nakasuot ng bonnet at jacket  sa bahay ni Ledesma sa liblib na lugar ng nasabing bayan.

Ayon sa mga kapitbahay, narinig pa umano nila ang pagmamakaawa ng mga biktima sa gunmen para sa kanilang buhay kung saan tila hinahanap umano ng mga suspek ang pera sa droga.

Gayunman, ilang minuto pa ang nakalipas ay sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw kung saan magkakasabay na bumulagta ang tatlo.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala cal.30mm pistol at ilang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with