^

Probinsiya

Dating kagawad na pusher itinumba sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang isang 45-anyos na negosyante at dating barangay kagawad sa Ibaan, Batangas nitong Martes.

Nakilala ang biktimang si Romano Hernandez, 45, na kabilang sa mga sumuko sa “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police bilang isang drug pusher.

Bandang 1:30 ng hapon nang pagbabarilin si Hernandez ng armadong kalalakihang sakay ng isang gray na kotse sa Barangay Lapu-Lapu sa Ibaan.

Kaagad tumakas ang mga suspek sakay ng kotse na walang plaka patungo sa bayan ng San Jose.

Naisugod pa sa Queen Mary Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dioscoro Angelia.

Tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang pagkakabilang ni Hernandez sa illegal drug trade na posibleng motibo sa krimen.

Patuloy ang imbestigayon sa insidente at pag-alam ng pagkakakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with