Granada sumabog: 2 utas
NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang sumabog ang rifle grenade sa Sitio Baruyan, Barangay Nalapaan sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Sindato Karim, deputy chief ng Pikit PNP, ang mga biktimang sina ex-barangay kagawad Ismael Dagadas Alagasi, 54, may asawa; at Datuali Balaguna, 29, kapwa residente sa nasabing lugar. Sugatan naisugod sa ospital ang magsasakang si Mentato Casanova, 33. Ayon sa police report, narekober ni Alagasi ang rifle grenade sa farm lot na pag-aari ng municipal councilor ng Pigcawayan. Nabatid na dadalhin nasa sa himpilan ng pulisya ang granada subalit aksidente nitong nabitawan kaya sumabog. Sumabog ang rifle grenade malapit sa sinasabing rest house na pag-aari ni Pikit Mayor Sultan Sumulong.
- Latest