^

Probinsiya

76-anyos nanay dinedo ng anak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Hindi na uma­bot ng buhay sa ospital ang 76-anyos na nanay matapos itong pagsasaksakin ng sari­ling anak dahil sa pagtanggi nitong magbigay ng pera kamakalawa ng hapon sa Via Fabia Street, Phase 3 sa Citta Grande Subdivision, Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City, Quezon.

Sa ulat ni P/ Supt. Dennis se Leon, hepe ng Lucena City PNP, kinilala ang biktima na si Nimfa Maranan habang naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Ronaldo Maranan, 49, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:50 ng hapon ay dumating ang suspek sa kanilang bahay at hu­mingi ng pera sa kanyang ina.

Gayunman, tumanggi ang matanda kaya nagalit ang suspek at isinagawa ang krimen.

Nadakip naman ng mga operatiba ng SWAT ang suspek sa bahay ng kanyang kaibigan sa Barangay 4.

Ayon sa mga kapitbahay, malimit saktan ng anak ang kanyang ina kapag ito ay sinasabing lango sa alak at droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with