^

Probinsiya

Encounter: 30 Abu, 15 sundalo patay

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakasagupa ng Army’s 35th Infantry Battalion at 21st Infantry Battalion ang mga bandidong Abu Sayyaf sa liblib na bahagi ng Barangay Maligay, Patikul  kung saan 15 sundalo ang napatay habang umaabot na sa 30 bandido ang bumulagta at sampu namang sundalo ang nasugatan.

Kabilang sa mga sundalong napatay ay sina 2nd Lt. Ernan Gusto, S/Sgt. Ruel Catubay, Sgt. Erwin Almohallas, Cpl. Elid Ismael, Cpl. Saik Mandangan, Cpl. Omar Raddulan, Corporal Ronald Galloniga, Pvt. Nestor Bacaling Jr., Pfc. Jison Falcasantos, Pfc. Gerald Yubal, Pfc. Dhendo Dujo, Pfc. Roselito Arnaco, Pfc. Glend Resma, Pfc. Rogelio Vincoy Jr. at si Pfc. Jonas Lumayan.

Sa pahayag ni Major Felimon Tan, Army’s regional spokesperson, simula noong Biyernes (Agosto 26) hanggang kahapon ng umaga ay umabot na sa 30 bandido ang napaslang.

Ayon naman kay Col. Edgard Arevalo, 15 sundalo kabilang ang Army 2nd Lt. sa napatay habang 12 naman ang nasugatan sa pagsiklab muli ng serye ng engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar at ng mga bandido sa kagubatan ng Patikul, Sulu noong  Lunes ng hapon.

Sa panibagong sagupaan ay apat pang bandido ang napatay sa kabuuang 25 suba­lit sinabi ni Tan na lima pa ang nadagdag sa napatay sa mga kalaban kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga napas­lang na bandido ay sina Abu Sayyaf sub-leader Mohammad “Ama Maas” Said ay sinasabing may limang warrant of arrest sa kasong murder kaugnay ng pagpugot sa dalawang bihag na Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall.

Ang dalawang Canadian ay kabilang sa mga binihag mula sa Oceanview Resort sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte noong Setyembre 21, 2015.  

Sa ulat ni Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Arnel dela Vega, muling makasagupa ng tropa ni Lt. Col. Presco Lobos ang grupo ng Abu Sayyaf sa pamumuno nina Abu Sayyaf sub-leader Jamiri Jauhari sa Barangay Bakung, bayan ng Patikul, Sulu.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan kung saan dalawang bandido ang napatay habang marami naman ang nasugatan sa mga bandido kabilang  ang lider na si Jauhari.

Bandang alas-3:42 ng hapon nasabat naman ng tropa ni Lt. Col. Samuel Manzano ang 80 Abu Sayyaf sa Barangay Kuttong sa bayan ng Talipao, Sulu kung saan napatay ang dalawang bandido habang dalawang sundalo naman ang nasugatan.

Kahapon ng umaga naman ay lima pa sa mga bandido ang napaslang sa pagpapatuloy ng opensiba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with