Drug suspek utas sa shootout
NUEVA VIZCAYA, Philippines – Bulagta ang itinuturing na drug suspek matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Vista Alegre sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib at tagiliran ang biktimang si Samson Quirubin na sinasabing sumuko na rin sa programa ng pulisya na “Oplan Tokhang”. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Inspector Jenifer Flores, hepe ng Bayombong PNP police, nakahalata si Quirubin sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kaya ito kumasa at nakipagbarilan hanggang sa mapatay. Nakatakas naman ang kasama nitong si Dindo Guron habang narekober naman ang isang cal.38 revolver, isang homemade M16 Armalite rifle at isang plastic sachet ng shabu.
- Latest