^

Probinsiya

Mag-asawa nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng mag-asawa makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay San Vicente, bayan ng Malangas, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Si Zenaido Tormes, 53, ay nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan habang nasapul naman sa ulo at kanang hita ang misis nitong si Marcela Tormes, 46. Sa ulat ni P/Supt. Rogelio Alabata, PNP regional spokesman, lumitaw na ang mag-asawa ay umalis sa bahay at nakipanood ng telebisyon sa kapitbahay pero pag-uwi ay pinagbabaril. Sa pahayag ng anak na si Ailyn Tormes Caliso, bago ang krimen ay ilang lalaking naka-itim na jacket na may hood ang nakita niyang pumasok sa tarangkahan ng bahay pero wala ang mag-asawa kaya kaagad na umalis. Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with