^

Probinsiya

Bus swak sa sapa: 6 patay, 34 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim-katao ang namatay habang 34 naman ang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa may 10 metrong lalim na sapa ang gilid ng national highway sa Sitio Calabucay, Brgy. Bato sa bayan ng Taytay, Palawan kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Bermar Herrera, hepe ng Taytay PNP ang lima sa mga namatay na sina Romeo Dedama Sr, 40; Janet Apolinario, 6; Cristina Arguelles Abejo, 70; Aira Apolinario, at si Donato Edenden habang ginagamot sa Northern Palawan Provincial Hospital ang mga nasugatang biktima.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Herrera, ang berdeng pampasaherong bus ay sinasabing nag-overtake sa isa pang sasakyan habang bumabagtas sa matarik na kaliwang bahaging pababa sa pakurbang highway.

Bunga nito ay nahulog sa 10-talampakang lalim na sapa ang bus na minamaneho ni Roque Arcede na masyado umanong matulin ang takbo na patungong Puerto Princesa City nang maitala ang sakuna.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya si Haciedera na ayon sa opisyal ay nagtamo lamang ng konting gasgas sa balikat at likurang bahagi ng katawan habang ang konduktor nito ay kabilang sa sugatang isinugod sa pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with