^

Probinsiya

Mag-asawang ‘drug lord’ itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang negosyanteng binansagang “Dragon drug lord” ng Iloilo na na­ngakong isisiwalat ang panibagong drug matrix at misis nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunmen sa pantalan ng Caticlan, Aklan kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Malay Hospital subalit idineklarang patay ang mag-asawang Melvin Odicta at Miriam Odicta.

Base sa ulat ni P/Senior Supt. John Mitchelle Jamili na isinumite sa Camp Crame, naglalakad na ang mag-asawa sa walkway ng port terminal mula sa roll-on-roll-off vessel nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen.

Noong nakalipas na linggo ay sumuko kay Interior and Local Government Secretary Ismael “Mike” Sueno  ang mag-asawa sa Camp Crame kung saan nangako ang negosyanteng si Odicta na isisiwalat ang panibagong drug matrix kaugnay sa mga pulitiko at opisyal ng PNP na sangkot sa droga.

Ang mga ito  ay kinunan ng ‘judicial confession’ sa PNP-Criminal Investigation Group at matapos ito ay pinauwi rin ang mag-asawa.

Si Melvin ay nasa talaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ika-1 drug lord ng Iloilo pero itinanggi ito ng mag-asawang Odicta sa pagsasabing bahagi lamang ito ng paninira ng kanilang kalaban sa pulitika.

Gayunman, hindi naman kumbinsido si PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa sa pagtanggi ng mag-asawa sa drug watch list ng ahensya.

Ayon sa opisyal, posib­leng natatakot ang mga drug lord at mga protektor ng mag-asawa sa isisiwalat na drug matrix sa pagsuko sa Camp Crame kaya pinatahimik ang mga ito.

Nakatakda namang bumuo ng Task Force upang imbestigahan ang pagpatay sa mag-asawang umano’y sangkot sa drug trade.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with