^

Probinsiya

Mag-utol na nene pinatay, itinapon sa ilog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na nene na sinasabing pinahirapan muna saka itinapon sa ilog ng Iyam sa Purok Balaga­san, Barangay 1 sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Dennis de Leon, hepe ng Lucena City PNP, nakilala ang mga biktima na sina Jasmine Almariego, 6; at Jhoana Almariego, 5, kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay PO3 Michael Subieto, si Jasmine ay natagpuan ng ilang residente dakong alas-10:55 ng gabi.

May malaki umanong sugat sa noo ang biktima na palatandaang hinataw ito ng matigas na bagay kung saan wala rin itong pang ibabang saplot.

Samantala, bandang alas-6:15 ng umaga kahapon natagpuan naman ng mga kawani ng BFP at LCDRRMC ang nakalutang sa ilog na si Jhoana.

Sa inisyal na imbestigasyon, huling nakitang buhay ang magkapatid na nag­lalaro sa basketball court na katabi ng bangin at ilog.

Dakong alas-3 ng hapon ay nawala na sa pani­ngin ng mga residente ang mag-utol

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa sinapit ng mag-utol kung saan ang isa ay hinalay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with