^

Probinsiya

Ama kinatay ng anak dahil sa pulutan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 58-anyos na karpentero sa kamay ng kanyang senglot na anak matapos itong pagtatagain sa harap ng kanyang misis sa Barangay Callungan, bayan ng Sanchez Mira, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Blademir Enteria ang napatay na si Alfredo Grande habang naaresto naman ang suspek na si Arrish Grande, 27.

Ayon kay SPO1 Enteria, gumanti ang nakababatang Grande sa  pagpalo nito ng dos po dos sa ulo ng ama.

Sa pagkataranta ng misis ng biktima na si lola Criselda ay sinaklolohan nito ang nakadapa at nahilong mister na hawak ang itak na kanya sanang itataga sa anak.

Ayon sa report, inagaw ng nakababatang Grande ang itak at ilang beses na tinaga ang kinabayo niyang ama habang halos mawalan ng ulirat si Lola Criselda sa nasaksihang krimen.

Pinaniniwalaang nabitin sa pulutan ang isa sa ugat ng pagtatalo ng mag-ama na nauwi sa pananapak at pananaga ng suspek sa sariling ama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with