^

Probinsiya

Surrenderee itinumba ng kasamahang tulak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahilan umano sa maling pag-aakala na isinuplong siya sa mga awto­ridad, pinagbabaril at napatay ng isang notoryus na drug pusher ang kasamahan niyang naunang sumuko sa pulisya matapos itong makasalubong kamakalawa sa Brgy. Pasil, Cebu City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rogelio Cabasa, dead-on-arrival sa Cebu City Medical Center dahil sa tinamong apat na  tama ng bala sa katawan. Si Cabasa ay kabilang sa mga sumukong drug surrenderee sa Cebu City sa ilalim ng Oplan Tokhang o ang pagpapasuko ng mga awtoridad  sa mga drug personality.

 Arestado naman sa followup operation ng mga awtoridad ang suspek na si Ronald Udto, 19 taong gulang.

 Sa ulat ni Sr. Supt. Joel Doria, Director ng Cebu City Police Office, naganap ang insidente sa Sitio Lawis River­side, Brgy. Pasil dakong alas-11 ng gabi.

Nakikipag-inuman si  Cabasa sa dalawa nitong kaibigan nang biglang dumating si Udto at pagbabarilin ito.

 Sa presinto, inamin ni Udto na pinatay niya ang biktima dahil sa malakas umano ang hinala nitong isinuplong na siya ni Cabasa na kasamahan niyang tulak na sangkot din sa illegal drug trade kaya naghiganti lamang siya sa biktima.

Inihayag naman ng opisyal na ang pangyayari ay patunay lamang na ma­raming mga insidente ng pinapatay na drug pusher ay kagagawan din ng kanilang mga kasamahan sa sindikato ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with