^

Probinsiya

Pusher utas sa shootout

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Napaslang ang sinasabing drug surrenderee sa “Oplan Tokhang” matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Purok 5, Barangay Margot sa Angeles City, Pampanga noong Huwebes ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Wendel Arinas, police station 5 commander, kinilala ang napatay na si Randolf Geradilla. Ayon sa ulat, bandang alas-4 ng hapon nang isagawa ang buy-bust ope­ration sa pangunguna ni P/Chief Insp. Ma. Elvira Bautista. Gayunman, nakatunog ang suspek na pulis pala ang kanyang ka-deal kaya ito nagtatakbo sa loob ng kanyang bahay saka nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya. Napatay naman si Geradila makaraang ang pakikipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya kung saan narekober ang cal. 22 revolver, 4-plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at ang P500 mark money na ginamit sa buy-bust operation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with