^

Probinsiya

2 drug suspek, nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang drug personalities ang itinumba makaraang tambangan ng  riding-in-tandem assassins sa Barangay 2, Vigan City, Ilocos Sur noong Huwebes ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Greg Guerrero, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP ang mga napatay na sina Michael Molina at Roger del Castillo na sinasabing naghatid lamang ng mga bata sa eskwelahan. Ayon sa police report,  palayo na sa paaralan ang mga biktimang lulan ng SUV nang bigla silang saba­yan at ratratin ng tandem. Bagama’t sugatan ay pinilit ni Molina na imaneho ang SUV sa St. James Hospital kung saan kapwa sila namatay. Ayon kay Guerrero, ang mga biktima ay nasa drug watch list ng pulisya at sumawsaw na rin sa programang “Oplan Tokhang” noong nakalipas na buwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with