Drug suspek inutas ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 26-anyos na drug suspek matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins habang naglalakad sa Sitio Panrupan, Barangay Binabalian sa bayan ng Bolinao, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Mark Sibayan, hepe ng Bolinao PNP ang napatay na si Jayson “Ka Tago” Homer, tubong Dasmariñas City, Cavite at nakatira sa nasabing barangay.Lumalabas sa imbestigasyon na kinaladkad sa damuhan ang biktima saka niratrat. Nagsitakbuhan ang mga kasamahan ng biktima habang sinamantala naman ng gunmen na tumakas.
- Latest