^

Probinsiya

Pulis binoga ng tulak, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang bagitong pulis habang isa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng drug pusher sa isinagawang anti-drug operation sa bayan ng Marabut, Samar kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ang biktima na si PO1 Gary Cabaguing habang isinugod naman sa pagamutan si PO1 Nestor Villanueva.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bitbit ang search warrant ay isisilbi sana ng mga operatiba ng Samar Provincial Public Safety Company laban kay Ernesto Gonzales na dating rebeldeng New People’s Army na naging drug dealer sa Barangay Loreto noong Miyerkules.

Gayunman, habang papasok pa lamang sa pintuan ng bahay ni Gonzales ay pinutukan ng suspek na nagtatago pala sa malalim na hukay sa ilalim ng kaniyang bahay.

Nasapul ng tama ng bala si PO1 Cabaguing habang na­sugatan naman ang kasamahan nito kung saan nakatakas si Gonzales. Narekober sa nasabing lugar ang 3 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, magazine ng mga armas, mga bala, shotgun at granada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with