^

Probinsiya

Anak ng trader na bihag ng Abu, pinugutan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi nakapagbigay ng ransom money kaya pinugutan ng Abu Sayyaf Group ang anak na lalaki ng negosyante na bihag ng mga ito sa kagubatan ng Indanan, Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Major Felimon Tan, Army’s regional spokesman, bandang alas-7:30 ng gabi nang marekober ang pugot na ulo ng kidnap victim na si Partrick James Almodovar, 18, matapos itong itapon sa Barangay Kadjatan, bayan ng Indanan.

Ang pugot na ulo ay nakabalot sa plastic bag na iniwan ng tatlong bandido sakaytumakas lulan ng motorsiklo.

Nabatid na nagbanta ang mga kidnaper na pupugutan si Almodovar kapag nabigo ang pamilya nito na magba­yad ng P1 milyong ransom.

Base sa tala ng pulisya, si Almodovar ay dinukot ng grupo ni Ajang-Ajang ng Abu Sayyaf noong Hulyo 16, 2016 sa Brgy. Asturias sa bayan ng Jolo, Sulu.

Magugunita na ang dalawang bihag na Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall ang huling pinugutan ng mga bandido noong Abril  at Hunyo 2016 matapos na mabigong magbayad ng  P300 milyon at P600 milyong ransom ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, matapos ipaalam kay Pangulong Duterte ang sinapit ng bihag na pinugutan ay kaagad iniutos nito sa AFP at PNP na tugisin ang ASG at durugin na ang nasabing grupo.

“That’s why I’m sending the troops there and tell them to destroy. My orders to the police and to the Armed For­ces, against all enemies of the state, seek them out and destroy them. Ang mga droga, destroy them. Ang mga Abu Sayyaf, destroy them. Period,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang press conference sa Davao City kahapon ng madaling araw. Dagdag ulat ni Rudy Andal

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with