^

Probinsiya

Kumbento grinanada ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Niyanig ng malakas na pagsabog ang isang kumbento matapos itong hagisan ng granada ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bayan ng Jolo, Sulu kamakalawa ng umaga. Sa ulat ng Joint Task Group (JTG) Sulu, bandang alas-5:40 ng umaga nang hagisan ng granada ang Catholic Dominican Convent  sa  Kakuyugan Village, Brgy. Asturias sa kapitolyo ng Jolo. Sa pahayag ng ilang testigo, bigla na lamang naghagis ng granada ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo. Ang pagsabog ay lumikha ng bahagyang pinsala sa nasabing kumbento kung saan wala namang nasugatan at namatay sa pagsabog. Base sa tala ng pulisya, ilang beses ng naging target ng pambobomba ng mga bandido ang Mt. Carmel Cathedral sa nasabing bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with