Sekyu, karpintero tiklo sa droga
CAMARINES NORTE , Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang 40-anyos na security guard at isang karpentero matapos itong masakote sa inilatag na buy-bust operation sa Purok 6, Barangay Matnog sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ni P/ Chief Insp. Rogelyn Calandria, acting chief of police, ang mga suspek na sina Arnulfo Macas, may asawa, sekyu ng isang kolehiyo sa bayan ng Daet, at nakatira sa Barangay San Jose, bayan ng San Vicente, Camarines Norte at Romeo Cabarle, 46, may asawa, karpentero, at nakatira sa Barangay Camambugan sa Daet. Nasamsam sa mga suspek ang 4 na plastic sachet na may shabu, cal. 38 revolver at P600 cash na mark money na ginamit sa operasyon.
- Latest