Durugista, nilikida
OLONGAPO CITY, Philippines – Napatay ang 27-anyos na durugista matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Barangay Calapacuan sa bayan ng Subic, Zambales kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Mary Grace Nilo “Gara” Goncura ng Purok 6A sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Geoffrey Javier, deputy chief of police, bandang als-2 ng madaling araw nang pasukin at ratratin ang biktima. Hindi umano pakay ng gunmen na patayin kundi ang kanyang ka-live-in na si Jilmani Ummay subalit nagkataong wala sa bahay. Nabatid na si Goncura ay dating gumagamit ng droga at isa umano sa mga unang nagsisuko sa “Oplan Tokhang” ng pulisya.
- Latest