^

Probinsiya

HPG patay sa training course

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang miyembro ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) na nakabase sa Ilagan City, Isabela ang iniulat na namatay matapos malunod sa isinagawang motorcycle riding course sa isang resort sa Barangay Bascaran sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ng Solano PNP ang biktima na si SPO1 Benjo Bedaña, 41, ng Echague, Isabela. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ni PO3 John Babaran ang katawan ni Bedaña na nasa gitna ng swimming pool ng PLT Resort. Naisugod sa PLT Hospital ang biktima subalit dakong alas-8 ng gabi ay binawian ito ng buhay. Si Bedaña ay kabilang sa 59 na tauhan ng HPG na kalahok sa nasabing kurso na pinangunahan ni P/Senior Supt. Moises Cudal Pagaduan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with