^

Probinsiya

Sidekick ni Kerwin Espinosa, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang anak ng dating alkalde at itinuturong sidekick  ni Kerwin Espinosa sa drug trade Eastern Visayas sa isinagawang operasyon sa Brgy. Lorega, Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Roderick Palermo Espina, 54, tubong Maasin, Southern Leyte at sinasabing kasabwat ni Kerwin Espinosa sa narcotic trade.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, si Roderick ay nag-iisang anak ni dating Maasin City, Leyte Mayor Edgarino Espina  na nanirahan sa Brgy. Lahug, Cebu City noong 1980.

Bago masakote si Roderick ay  nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa All Sons Inn Pension House na ang suspek ay may kahina-hinalang ikinikilos kung saan hindi pinalilinisan  ang silid nito sa loob ng anim na buwang pananatili.

Kaagad namang tiniktikan ng mga operatiba, ilan sa mga ito ay umupa sa katabing silid ng suspek.

Kahapon ng umaga ay tuluyan nang pinasok ng mga operatiba ang silid ni Espina matapos na magpanggap ang mga ito na roomboy na magdadala ng order nitong pagkain.

Nakumpiska sa suspek ang cal. 22 revolver at cal. 45 pistol,  hindi pa madeterminang dami ng marijuana at shabu.

Narekober din ang mga kagamitang gamit sa paggawa ng shabu.

Samantala, inamin naman ni Espina na sidekick at kasab­wat siya ni Kerwin sa drug trade.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with