Indian trader, itinumba
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 26-anyos na Indian trader na sinasabing nagpapautang ng 5-6 matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Batal, Santiago City sa Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Redentor Gumaru Jr. hepe ng Presinto Uno ang napatay na si Sukwinder Singh Ghudial ng Plaridel Heights Subd. sa nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima mula sa paniningil ng pautang nang ratratin ito ng tandem malapit sa Nagassican Bridge.? Palaisipan sa mga imbestigador kung bakit hindi tinangay ng gunmen ang P10,000 cash, cellphone at computer tablet na bitbit ng biktima.
- Latest