^

Probinsiya

P.5-M pabuya vs killer ng vice mayor

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Naglabas ng pabuyang P.5 milyon ang lokal na pamahalaan sa sinumang makapagtuturo sa suspek sa pagpaslang kay Vice Mayor Aaron Sampaga sa bayan ng Pamplona. Pormal na inihayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na maglalaan siya ng malaking halaga bilang pabuya sa sinuman na makakapagbigay ng impormasyon para sa ikalulutas ng kaso sa pagpatay kay Sampaga na pinagbabaril noong Biyernes (Agosto 5) ng mga hindi kilalang gunmen. Tiniyak din ni Mamba ang siguridad sa buhay ng testigo sa krimen. Base sa tala ng pulisya, pinagbabaril at napatay si Sampaga habang nasa bahay ng kanyang kaibigan kung saan nasugatan din ang isa pang kasamahan nito. Una nang inihayag ng mga awtoridad na pulitika ang nakikitang motibo sa pagpaslang sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with