^

Probinsiya

2 pulis-tulak dedo sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang pasaway na pulis na sangkot sa pagtutulak ng droga ang napaslang ng kanilang kasamahang pulis matapos na mauwi sa shootout ang buy-bust operation sa Barangay Cabaruan, bayan ng San Fabian, Pangasinan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na pulis na sina SPO3 Marlon Nicolas at PO3 Jenny Agbayani na kapwa nakatalaga sa Pangasinan Provincial Police Office.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, spokesperson ng Panga­sinan PNP, bandang alas-8 ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division 1, Criminal Investigation and Detection Group Region 1 at San Fabian Police laban sa dalawa.

Ayon kay Candelario, sina SPO3 Nicolas at PO3 Agbayani ay kapwa nasa high level drug watch list sa nasabing lalawigan.

Gayunman, habang isinasagawa ang transaksyon ng droga ay nakatunog ang dalawa na agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng shoot­out ay magkakasunod namang bumulagta ang dalawang scalawag na pulis.

Narekober sa encounter site ang dalawang cal. 9mm Beretta pistol, isang sachet ng shabu, dalawang rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana at ang P3,000 cash na sinasabing mula sa bentahan ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with