^

Probinsiya

Kerwin ikinantang supplier ng droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinanta ng naarestong mag-asawang drug pusher na ang no.1 drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa ang kanilang supplier ng droga sa bayan ng Albuera, Leyte. Si Kerwin Espinosa, anak ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad na huling na-monitor na nagtatago sa Malaysia. Base sa ulat, nasakote sa drug bust operation ang mag-asawang Ernesto Tan, 54; at Sarah Tan, 50, noong nakalipas na linggo sa bayan ng Kananga, Leyte. Sa inisyal na interogasyon ay inamin ng mag-asawang Tan na ang batang Espinosa ang kanilang supplier ng droga. Patuloy naman ang pakikipagkoordinasyon ng mga awtoridad sa mga awtoridad sa Malaysia upang masakote si Kerwin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with