^

Probinsiya

3 tinodas sa Maguindanao

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang naiulat na pina­bulagta sa panibagong insidente ng pamamaril sa Barangay Labu-labu sa bayan ng Datu Hofer sa Maguindanao, kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Bryan Balite, hepe ng Datu Hofer PNP ang isa sa napatay na si Roger Baylon Castor, 20, estudyante, ng Barangay Saliao sa bayan ng Esperanza sa Sultan Kudarat habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng dalawa. Nabatid na pasado alas-11 ng gabi kamakalawa nang makatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya kaugnay sa pagkakapatay sa mga biktima. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M-16 rifle at cal.45 pistol.  Blanko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with