^

Probinsiya

Manager ng cockpit arena, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 53-anyos na manager ng cockpit arena na sinasabing nasa drug watchlist ng PNP matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman sa Sitio Bagbag, Barangay Prenza sa bayan ng Lian, Batangas kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa kaliwang dibdib at likurang bahagi ng katawan si Avelino Gatdula, manager ng Palico Cockpit Arena sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Sa ulat ng Batangas PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-5:40 ng hapon habang ang biktima ay nagmomotorsiklo nang sundan at ratratin ng gunman na sakay naman ng SUV na walang plaka.

Bagama’t naisugod sa Apacible Memorial District Hospital sa bayan ng Nasugbu ang biktima ay idineklara itong patay.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal .9mm pistol.

Nabatid na si Gatdula ay sinasabing nasa drug watchlist ng Lian PNP at kabilang sa mga nagsisuko sa inilatag na Oplan Tokhang ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with