^

Probinsiya

Shootout: Magka-live-in tulak, utas

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang magka-live-in na drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa Barangay Taliptip, bayan ng Bulakan, Bulacan noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang dalawa na sina Bernando Fernando, 42, at Blondie, 28, kapwa nasa drug watchlist at mga nakatira sa nasabing barangay. Base sa ulat ni P/Supt. Jacqueline Puapo, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ng mga suspek bitbit ang search warrant ni Judge Cita Jose-Clemente ng Malolos City Regional Trial Court Branch 16 makaraang patuloy pa rin sa drug trade ang dalawa. Gayunman, papalapit pa lamang ang pulisya sa bahay ng mga suspek ay sinalubong na sila ng mga putok ng baril na nauwi sa shootout. Narekober ang ilang gramo ng shabu,mga drug paraphernalia, digital weighing scale, cal.45 pistol, cal.38 revolver, at granada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with