Durugistang kawani ng DILG, nilikida
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 39-anyos na kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sinasabing ikaapat sa drug personality matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Calaocan, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa ng gabi.? Kinilala ni P/Chief Insp. Santos Tecbobolan, hepe ng Alicia PNP ang napatay na si Marianito Adriano, disbursing officer ng DILG provincial office sa Ilagan City, Isabela. Ayon kay Tecbobolan, isa si Adriano sa mga sumukong durugista sa programa ng PNP na Oplan Tokhang na kanyang idinaos noong nakaraang linggo. Ayon kay DILG Provincial Director Elpidio Duruin na may natanggap siyang ulat na isa sa kanyang mga kawani ang sumuko sa “Oplan Tokhang” subalit hindi niya inakalang ang disbursing officer pala niya ang pinatay.
- Latest