^

Probinsiya

3 dinedo dahil sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing tulak-droga kabilang ang isang babae ang natagpuang patay sa loob ng kotse na inabandona malapit sa paliparan ng Tacloban City, Leyte kamakalawa. Base sa police report na nakara­ting sa Camp Crame, ang tatlong bangkay ay natagpuan ng ilang residente kinaumagahan ng Biyernes bandang alas-4 ng madaling araw. Isa sa mga biktima ay si Jason Boclatan na positibong kinilala ng kanyang misis na si Christine Jackson Boclatan. Nabatid pa na iniwan din ang karatula sa tabi ng bangkay ng mga biktima na may nakasulat na katagang “pushers kami, Lord patawad.” Itinanggi naman ni Christine na drug pusher ang kaniyang mister at iginiit na dati itong asset ng pulisya. Inaalam ng pulisya kung sino ang may-ari ng sasakyan na kinaroroonan ng tatlong bangkay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with