^

Probinsiya

Kagawad nabisto sa rape, sumuko

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Lumutang sa awtoridad ang isang barangay kagawad matapos mabisto na nanggahasa ng isang 19-anyos na dalaga sa Brgy. Alungani, Datu Piang, Maguindanao, iniulat kahapon.  

Kinilala ni Datu Piang Chief of Police Sr. Insp Cesar Ibal ang suspek na si Brgy. Alungani Kagawad Tamano Usman Bago, 47, ng nasabing barangay.  

Ayon kay Ibal, boluntaryong sumuko si Kagawad Bago matapos siyang pangalanan ng biktima na nanggahasa umano sa kanya.  

Sa report ng PNP, nangyari ang insidente dakong alas-3 ng hapon noong Miyerkules (Hulyo 27), kung saan dinala umano ni Bago ang biktima sa isang abandonadong bahay at dito ginawa ang krimen.  

Pasado alas-6 ng gabi nang mabilis na makatakbo patakas ang biktima at nakahanap ng pampasaherong motorsiklo saka nagpahatid papunta sa kanyang nanay. Agad naman silang nagsumbong sa pulisya. Dahil dito, sumuko si Bago kay Datu Piang Mayor Genuine Kamaong na agad naman niyang itinurn-over sa PNP.  

Sinabi ng suspek sa pulisya, may relasyon umano sila ng dalagang biktima, apat na taon na ang nakakaraan.  Gayunman, mariing itinanggi ng biktima at sinabing galing siya sa ibang bansa at kakauwi lang niya sa Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with