^

Probinsiya

Bagyong ‘Carina’ magpapaulan sa Bicol, Eastern Visayas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area na namataan sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau.

Inaasahang uulanin ang Bicol, Eastern Visayas at CARAGA dahil sa epekto ng bagyong ‘Carina,’ ang ikatlong bagyo ngayong taon.

Huling namataan si Carina sa 195 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga taglay ang lakas na 45 kilometers per hour (kph).

Mabagal ang paggalaw ng bagyo pa hilaga-kanluran sa bilis na 11 kph.

Inaasahang nasa 280 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes si Carina bukas, habang sa 255 kilometro silangan naman ng Casiguran, Aurora sa Linggo.

 Wala namang nakataas na public storm warning signal ngunit pinayuhan ng mga awtoridad ang mga manginigsda na mag-ingat sa pagpalaot.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with