^

Probinsiya

3 tulak pinabulagta

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumulagta ang dalawang top most wanted drug traders matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa Cagayan habang isa namang drug personality ang itinumba ng hindi nakilalang lalaki sa bilyaran sa Nueva Vizcaya kamakalawa. ? Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Chevalier Iringan ng Cagayan Valley PNP, kinilala ang mga napatay na sina Erwin Bicera at Walter Viloria na nasa drug watch list ng PNP. Nabatid na nilampasan ng motorsiklo nina Bicera at Viloria ang checkpoint ng mga pulis sa Barangay San Pedro saka nakipagbarilan pagsapit sa Barangay Battalan. Narekober sa dalawa ang cal .45 pistol, improvised M16 rifle, 5-plastic sachets ng shabu at ilang sanga ng pinatuyong  marijuana. ? Samantala, narekober ang 2-plastic sachets ng shabu sa bulsa ng pantalon ni Jimmy Camba na napatay ng hindi kilalang lalaki sa loob ng bilyaran sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with