^

Probinsiya

Ex-pulis todas sa shootout

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Napatay ang dating pulis na umano’y isinasangkot sa bentahan ng droga matapos itong kumasa at makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya na nagsilbi ng  search warrant sa kanyang bahay sa Barangay Camaya sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si ex-PO3 Alpasel Hamsa ng nasabing barangay. Base sa police report, isisilbi na sana ng mga awtoridad ang search warrant na inisyu ni Judge Emmanuel Silva, Balanga City Regional Trial Court Branch 4 nang pumalag at makipagbarilan si Hamsa. Gayunman, gumanti ng putok ang mga pulis kaya napatay si Hamsa na sinasabing sangkot ito sa pagbebenta ng droga at baril. Nakarekober sa encounter site ang isang cal. 45 pistol, mga bala at 2 plastic sachet na may  shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with