Lider ng motorbike thieves, bulagta
BULACAN, Philippines – Napatay ang sinasabing lider ng motorcycle thieves matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Perez, Meycauayan City sa Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala lamang sa alyas “Rico” ang napatay na karnaper na nasamsaman ng 13 plastic ng shabu at ang motorsiklong sinikwat nito na sinasabing pag-aari naman ni Salvador Santos Ignacio. Base sa police report, nakipaghabulan si Rico sa pulisya matapos makatakas sa inilatag na buy-bust operation subalit nakipagbarilan nang makorner ng pulisya.
- Latest