Kagawad dinedo dahil sa droga
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang isang barangay kagawad na sinasabing high-value target sa droga matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Barangay Maynganay Sur sa bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur kahapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Greg Guerrero, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP ang napatay na si Kagawad Loreto “Amboy” Gaoat ng San Pablo sa bayan ng San Esteban at nasa ika-11 sa drugs watch list ng pulisya. Ayon kay Guerrero, kapwa naka-helmet ang gunmen nang ratratin ang biktima.?
- Latest