^

Probinsiya

2 pang tulak-droga, nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa pang tulak-droga ang pinabulagta sa naganap na magkahiwalay na pamamaril ng riding-in-tandem assassins sa Ramon, Isabela at bayan ng Diffun, Quirino noong Martes.? Nabatid na nagtitinda ng isda ang biktimang si Hassam Rivera nang lapitan at ratratin sa Barangay Gen. Aguinaldo sa bayan ng Ramon, Isabela. ?Nabatid na isa si Rivera sa mga sumukong durugista sa isinagawang programa ng Oplan Tokhang ni P/Chief Insp. Genesis Cabacungan. Samantala, napuruhan naman sa ulo si Romulo Basa matapos itong tambangan ng tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Aurora West sa bayan ng Diffun, Quirino. Ayon sa report, narekober ang isang plastic sachet na may shabu sa tool compartment ng motorsiklo ni Basa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with