^

Probinsiya

NPA umatake sa balwarte ni Presidente Digong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng idineklarang unilateral ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte, umatake ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kung saan napatay ang isang Cafgu habang apat namang kasamahan ang nasugatan sa Brgy. Gupitan sa bayan ng Kapalong, Davao del Norte noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Army 10th Infantry Division spokesman Captain Rhyan Batchar, pabalik na sa kampo ng 72nd Infantry Battalion  ang mga Cafgu nang tamba­ngan ng mga rebelde pagsapit sa Sitio Pamunuan ng nasabing bayan.

Nabatid na dahil sa idi­nek­larang suspension of military operations (SOMO) laban sa mga rebelde ay nagdesisyon ang mga Cafgu na bumalik na sa kampo ng militar subalit naganap ang pananambang.

Bunga ng nasabing insidente ay isa sa mga Cafgu ang napatay na tumanggi munang tukuyin ng opisyal ang pagkakakilanlan dahil kailangan pang impormahan ang pamilya nito.

Kinondena naman ni Army’s 103rd Infantry Brigade Commander Col. Ricardo Nepomuceno ang insidente dahil tumatalima sa unilateral ceasefire ang kaniyang mga tauhan na itinigil muna ang opensiba sa mga kalaban bagay na sinasamantala ng komunis­tang grupo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Nepomuceno na susundin nila ang unilateral ceasefire na iniutos ng Pangulong Duterte pero mananatiling vigilante at nasa defense mode laban sa pag-atake pa ng NPA rebs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with