Drug war sa Mindanao: 39 utas, 21,000 adik sumuko
MANILA, Philippines – Umaabot na sa 39 drug pushers ang napapaslang habang 326 naman ang nasakote at 21,000 durugista ang boluntaryong sumuko sa mga operatiba ng pulisya sa Central Mindanao, ayon sa opisyal kahapon.
Ayon kay P/Supt. Romeo Galgo, PNP regional spokesman, ang nasabing bilang ay naitala mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 26, 2016.
Ayon kay Galgo, simula nang manungkulan sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 1,2016 ay agad nilang inimplementa ang Project Double Barrel.
Naglalayong matuldukan ang malalang problema ng bansa sa droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwang palugit ng pamahalaan kaya inilunsad ang “Oplan Double Barrel.”
Nakarekober din ng 817 plastic sachet ng shabu sa serye ng operasyon kontra droga.
“We are appealing to those individual involve in the use and proliferation of illegal drugs to surface through their barangay officials or to the nearest police station as we are intensifying our operations against them,” apela naman ni P/Chief Supt. Cedrick Train, regional director ng PRO 12.
- Latest