Magkapatid dedo sa killer trak
TUGUEGARAO CITY, Cagyan, Philippines – Patay ang mag-utol na lalaki makaraang salpukin ng truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Sitio Mayogyog, Barangay Calafug sa bayan ng Conner, Apayao kamakalawa. Idineklarang patay sa Conner District Hospital sina Kagawad Donald Bagsao, 31; at Frederick Bagsao 43, Cafgu, at kapwa nakatira sa Barangay Sacpil. Sinasabing nawalan ng kontrol sa motorsiklo ni Kagawad Bagsao kaya nagpagiwang-giwang saka sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler truck na minamaneho ni Franklin Bueno, 36, ng Tuao, Cagayan. Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang drayber at truck na sinasabing pag-aari ng trader na si Gina Joaquin. Sinasabing nakadisgrasya na rin ang nasabing truck sa nasabing lugar noong nakalipas na linggo na kung saan 10-katao ang nasugatan.
- Latest